Martes, Nobyembre 29, 2011

Facebook Fanpage

Add nyo po sa facebook ang fan page ni Bernardo Carpio. Search lang po Bernardo Carpio. Salamat.

Biyernes, Nobyembre 25, 2011


Mga kalipi, paki "like" po ang facebook account ni Bernardo Carpio. Salamat

http://www.facebook.com/pages/Bernardo-Carpio/205814099492630

Miyerkules, Nobyembre 23, 2011

Mga Larawan Kuha sa Komikon

Mga Kalipi! Masyadong maraming gawain ang inyong kalipi ngayon. Kaya hayaan nyong ipalita na lang muna ang ilan sa mga larawang kuha sa kagaganap na komikon. Tingnan nyo sa link na ito- http://www.facebook.com/media/set/?set=a.2470147566629.124068.1640559586&type=3

Samantala abangan ang kapanapanabik na pakikipagsapalaran ni Bernardo Carpio sa Digital Free Comics Format sa bernardocarpio.freevar.com.

Salamat! Mabuhay tayong lahat.

Linggo, Nobyembre 20, 2011

Komikon Report



Isang mahabang oras na preparasyon, maraming araw ng pagpapagal at mabibigat na pag-iisip ukol sa mga desisyon. Iyan at iba pa ang bago kong karanasan... ang Komikon 2011.

Hindi ko na pahahabain pa ang report na ito mga kalipi. Ukol muna sa ilang magagandang bagong karanasan.

Nagkaroon ako ng mangilangilan na benta sa komikon ngunit higit pa ito sa aking inaasahan. Ilan sa mga bumili ay mga magulang. Ang grupong ito, bukod sa may alam na sa konsepto ng aking karakter ay maaaring naghahanap ng mga panibagong ideya na nakapaloob sa lumang konsepto ng pamamaraan ng pagsasalarawan ng istorya.

Ang pangalawang grupo na nagpakita ng interes ay ilang kabataang wala na sa pagiging "teen". Ang grupong ito ay nagpakita ng mataas na "enthusiasm" dahil pa rin sa dahilan na binangit ko sa naunang grupo.

At ang huli ay ilan sa aking kapwa Indie Creators na marami sa kanila ay aking naging kaibigan. Kasama dito ang batikang Indie Creator ng "Elmer" at Inker ng isang sikat na banyagang "publishing house" na si Sir Gerry Alanguilan. Natuto ako sa kanila, sa pagmasid at pakikipagtalakayan. Ang kaalamang ito ay gagamitin ko para mapaganda pa ang susunod na labas ng Bernardo Carpio Komiks.

Napagtibay ko sa karanasang ito na ituloy ang pamamaraan at patuloy na gawin para sa mga klase ng taong bumili ng kopya ang istilo ng pagsalaysay at pagguhit ng komiks na ito. Maliban syempre sa teknikal na aspeto ng pagpapapabuti ng produksiyon upang maging mas higit na maganda ang kalidad at kung maaari ay mapantayan ang mga sikat na publishing house sa aking napiling pamamaraan.

Sa mga susunod na araw ay aking ipapakita ang mga larawan sa nasabing okasyon. Magbibigay din ako ng ilang "update" sa pagpapatuloy ng proyektong ito ukol sa mga susunod na titulo:

  • Ang Pagbabalik (Part 2)
  • Isang Bangungot
  • Batas ng Kalikasan

Patuloy ko pong pagbubutihin ang layuning ito. Salamat po sa mga tumangkilik at mabuhay tayong lahat na kalipi ni Bernardo Carpio.

Huwebes, Nobyembre 17, 2011

Mga Pakikipagsapalaran ni Bernardo Carpio




Magandang araw. Ito po ang blog kung saan makikita ang ang mga pag-usad ng proyekto ng mga pakikipagsapalaran ni Bernardo Carpio na isang Indie Komiks. Sana ay patuloy niyo itong subaybayan.

Maraming salamat kalipi!